Hi! Ako si Axel.
Nagmahal. Nasaktan. NagCampWagi. (joke lang) πŸ˜‚
Alam nyo pag-usapang single
Hinding hindi mawawala pangalan ko sa usapan ng tropa
Ah! Yan si Axel! parang Coke yan.. Coke Zero!“. 0️⃣
Parang lablyp lang den nya Zero!“. πŸ–€

Membro ako ng isang grupo, hindi frat or kung anong brotherhood 🀝🏻
Samahang karamihang miyembro ay wala sa mood πŸ€·β€β™‚οΈ
Hopeless romantic, Emo, minsan suplado; parang… ako πŸ˜‚
N.G.S.B, madalas makikita mo sila may hawak na SMB
Nag-chiChill, sa kanto, sa galaan, sa party; πŸ»

Ang tulad namin ay ung madalas nabuBully 😭
Sa school, sa work. sa tropa. πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘§
Minsan nga ngyabangan sila.
Sbi “Pre! naka bente na GF lang naman ako” 😎
Sagot nong isa “Isa-isa? kc sabay sabay ako” πŸ’ͺ🏻
At sa hindi ko maintindihan, si ate girl poging-pogi sa kanilang yabangan
At ako nakikinig sa isang tabi 😠
Hindi ko mapigilan aking mga labi
Kaya nilapitan ko sa ateh –at sabi ko
Ate, alam mo bang masMadami pang dinate yan, kaysa sa date ng calendar!” πŸ“…

Pero Bro! Usap nga tayo! NakakaPogi ba? πŸ€”
Ilang Ex pa ba para masabi mong “natuto ka na”?
Theme song mo Katy Perry
β€œSo many fish in the sea” πŸ 
Kaya kung ituring ang pag-ibig, so easy
Sabay hashtag #myforever
Aba! Aba! at may paPost post ka pa!? 🀳

Ung Love niTwist pero tingin mo masterpiece πŸ‘¨πŸ»β€πŸŽ¨
Na dati love nagtitiis, pag ibig sau rush as is πŸš΄πŸ»β€β™‚οΈ
Ung dating hopeful, ngaun paasa
Ung serious, ngayon pabebe na
Ung commitment, naging excitement
Ung biblical, naging emotional
And this is how the world twisted the standards of God for men πŸ“–
Gusto nten lagi instant 🍜
Pati Girlfriend/Boyfriend instant πŸ‘«
Kaya pag nag-away –breakup -instant. πŸ’”

Lahat na yata ng pang buBully ng pagiging Single narinig ko
Na parang kasalanan na maging single sa panahon na to πŸ•΅πŸ»β€β™‚οΈ
Kasalanan nga ba?
Hindi ba mas maganda na magmahal muna magisa bago maghanap ng kasama?
Saan nga ba nagsimula na kailangan mo ng kapareha para masabing kumpleto ka?

May napanood pa akong video πŸŽ₯
Isang girl nagtatanong bakit pren daw sya Single
Kaso sa maling tao siya nagtanong at ang sabi “Go Mingle
Hangang nauwi ang usapan sa “I want you baby girl. And you want me. E di tayo na.
So! Ayon! Nangyare! Disaster. πŸ‘ΆπŸ»

Ang punto talaga ng tula na ito ay tungkol kay The One ☝🏻
Na ang pakikipagrelasyon ay hindi kompetisyon sa paglikha ng ilusyon
Ito ay kung paano tayo lumalim sa ating relasyon (Sa kanya!) πŸ™πŸ»
Kasabay ng ating paghahanda; paghintay para sa tamang panahon πŸ”œ

Kung humanap kaya tayo ng common ground?
Simulan natin sa 1-2-1; para lahat tau familiar; may background.
Game! 1-2-1

One – Mag-1-2-1 para maging closer kay The One
Ibabad ang sarili, mga oras igugugul sa kanya ng maigi

Two – 2 days retreat mag Victory Weekend na
Iwanan mga nakaraan, harapin ang bagong buhay na nakalaan

At huli One – one whole bundle class
Purple Book, Church Community Class, Making Disciples Class pinag-samasama na

Oo, medyo nakakatawang isipin na ang tila sekret nito ay 1-2-1
Pero alam kung alam natin
Ang punto ng nito ay ang pagUna kay The One
Seek ye first the Kingdom of God…” πŸ“–
Ito ay isang proseso, paraan, para tayo lumalim sating relasyon
Habang naghihintay; naghahanda; sa ating tamang panahon πŸ•’

At dito ako magtatapos.

Sa mga pusong nagmahal; na durog; nasaktan; πŸ’”
Kapatid kung nasaktan ka dahil nagmahal ka ng totoo
Gusto kung sabihin sayo, na hindi ikaw ang talagang natalo sa paghihiwalay ninyo.

At para sa mga pusong nag-sisisigaw; damdaming umaapaw. πŸ’˜πŸ’
Tandaan! Laging panatilihin pusong dalisay
Sa paghihintay sa kanya
Maging best person para sa kanya

Kasi darating ang araw.. na darating din sya πŸ˜³
At ang unang regalong maibibigay mo sa kanya πŸ’πŸŽ
Ay ang puso mong si Kristo nagbuo, na handang-handa mong iAlay sa kanya.

——————————————-
It’s an honor and a privilege to share my story.
A story that God crafted for years for this moment.
Yas! Finally, my first actual Spoken Word Poetry.
Thank You to all the people who put me here.
All Glory to You. ☝️

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here