Araw ng katatakutan na naman
Uso na naman mga kwentong kababalaghan
Mapa-TV, Malls o Restaurant
Mga pilipino sobra kung panindigan..
Sari-saring mga lumang kasabihan
Wag ganito.. wag ganyan..
Jokes at hugot lines, pati na kalokohan.

Kalokohan.

Dito daw magaling mga pilipino
Lalabas na naman ang barahang henyo
Na ang true love daw parang multo
Madami daw naniniwala pero iilan lang nakakakita
Siguro nga! Sila ung multong buhay
Pero kung magparamdam talo pa patay
Magpaparinig kay crush, magbabakasakali
Magbabakasakali na tamaan sya at magReply
At muli na namang matali! PA-FALL!
Alam nyo pag si guy walang consistency
Ang tawag don Ghosting, sign of immaturity
Kaya Bro! Stop it! she deserves CLARITY! ๐Ÿ’

Pero kung patay ang pag-ibig mo ng Nobyembre
Tiis-tiis lang, kasi sasapit ang December
Wag mo madaliin ang panahon ng tag-lamig
Eto ang panahon para magbalik tanaw sa iyong pag-ibig
Sa buong taon, kasabay ng lamig ng himig
Hanapin ang sarili, isipin ano ang natutunan ng mabuti
At kung pagod ka na sa mga mali mong diskarte
Alalahanin mo nalang kung sino ang dahilan ng pasko
Tama! Dito mo Sya matatagpuan
Saliksikin ang rason ng pasko
Habang nagmoMove-on ka sa past mo
Dahil sasapit ang bagong taon ng Enero
Kasabay ng pagsabog at ingay ng mundo
Ganon den ang ibibigay Nyang kapayapaan sa puso at isipan mo
Ngunit maghanda dahil darating ang unang tukso
Lalabas si kupido at hanap nya ang puso mo ๐Ÿ’˜
Kung ikaw pokmaru, magpapaalam ka ng maaga sa pagsapit ng Pebrero
Kaya puso gawing petmalu, pansamantalang isarado ๐Ÿ”’
Dahil nagma-Marcha na ang kampun ni kupido
Dahil hindi nila matatangap ang “3 Month Rule” na pagkatalo
Dadaan ng mabilis ang Abril at 3 Days Resurrection ๐Ÿ‡
Wag mo ng saktan ang sarili mo
O makisabay sa pabasa
Kasi sabi Nya “Finished” na ๐Ÿ
Dito mo matutuklasan pati “6 Month Rule”, “GG” na
At wag ka na mag-welga at mag-bakasakali sa buwan ng MAYo
Magalak para sa kalahating taon mong trinabaho
Ipagpatuloy ang nasimulan para sa buwan ng Hunyo
Ipaglaban at panindigan ang bagong tagpong prinsipyo
Dahil darating ang huling tukso
Kaliwa’t kanan ang juLIES, at mga tanong sa sarili ang ibabato
Ngunit ang liwanag Nya ang maghahari sa pagsapit ng Hulyo
Mga bulong ng kaaway ay maglalaho kasabay ng Agus-to
Hindi mo kailangan matulog sa buwan ng Setyembre
Dahil ito ang simula ng bilang ng pasko bago magOktobre
At hindi mo na ulit kailangan matakot pa
Dahil buong taong pagsubok pinagdaanan mo na
Ihanda ang kandila hindi sa paggunita sa nawala
Kundi ito ay ang iyong simbolo ng pag-ibig at pag-asa
Dahil sa piling Nya, dito mo natagpuan ang tunay na ligaya. ๐Ÿ’

Lumipas na ang mga taon, at nawaโ€™y handa ka na
Kung ganon, halinaโ€™t kilalanin natin ang bawat isa.
Kung hindi man, nawa’y hindi multo ang magparamdam
Dalangin ko’y apila ng aking pagsintang dinadamdam
.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here