Alam nyo buti nalang walang tokhang para sa mga adik sa Kape
Isipin nyo mga pulis nagkalat sa mall, opis, umaga, tanghali pati gabi
At panigurado madaming magsasarang SB, CBTL, Mcdo kahit na Jollibee
Well, buti nalang nauuso ang Milktea basta wag lang ung may coffee jelly

Hindi naman talaga to tungkol sa pagbabawal mag-kape
Ito ay tungkol sa mga taong panay hanap ng “instant” coffee
3-in-1 na Great Taste, KopiKo pati na Nescafe
Ginagawa ng tubig, inum parin kahit nagmumukha ng zombie

Ang paborito kong part sa pag-inum ay ung pag-Palpitate ko
Kung hindi mo itatanong, ito nalang yata nagpapatibok ng puso ko
Seryoso! At speaking of puso —alam mo ba ang Love parang Kape?
Madaming taong naghahanap ng long term relationship pero panay hanap ng instant coffee

Tapos pagnawalan na ng lasa, tamis at init nag-eEmo
E kung untog kaya kita baka maisipan mo mag-Brew
Hmm Tama! Mag-Brew! Pero willing ka ba mag-wait?
Kasi ang mga high standard na arabica at robusta it takes time to make

Sila ung “seasoned coffee”, “finest quality”
Rich in benefits, times-two sugar mas-sweet
Hindi lang porma este aroma, it gives a better treat
Less bitterness, may clarity at hindi lang puro upbeat

So always don’t settle for less
Or you will end-up around in mess
And also, don’t settle for the instant’s of life
Especially when God is leading you to the blessings, that will last for life.

“fixing our eyes on Jesus, the pioneer and perfecter of faith..” – Hebrews 12:2a

Hey! Kape Tayo!! 😂

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here