Ang araw ko’y nagsisimula sa isang kape
White Chocolate Mocha Extra Hot Grande
Mga linyang ilang beses ko na nasabi
Umaga, tanghali, hapon o gabi

Ngunit isang araw dumating ka
Ningitian at tinanong mo ako at sinagot kita
Tila ba parang eksena sa isang pelikula
Lahat nag Slow-Mo; at unti-unting naiwan tayo sa eksena

Ikaw, ako at ang mga unang sulyap
Parang unang mga pahina sa aklat
Magpapakilala, pabalat; titulo, pamagat
At mga paunang salita at nilalaman; sa wakas! magsisimula na.

Ung kape kung kulay itim nagkakulay
Ung pait nagkaroon ng tamis
Ung lamig nagkaroon ng init
At ang puso kung nananaghoy sa isang banda
Nagkaroon ng pag-asa at sigla
Oo lahat nagbago!
Natutulog na ako ng maaga tuwing linggo
Para ang lunes ay kasing bilis ng pagpikit at pagdilat ko
Magmamadali at dederetso sayo
Maaga para siguradong walang tao
MagkuKwento ako ng kung ano ano
At ngigiti ka.. at ngingiti ako..
Sabay naten pagsasaluhan ang araw na puno ng tayo
Oo! alam ko! nangangarap lang ako!
Pero gusto ko! Gusto ko maging tayo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here